Tuesday, October 11, 2016

Mga Isyung Kinakaharap ng Pilipinas Tungkol sa Edukasyon


Mga Isyung Kinakaharap ng Pilipinas Tungkol sa Edukasyon
Sa tuwing magbubukas ang klase, ang laging nagsusumigaw na isyu ay ang  lumulubhang kamangmangan ng maraming Pilipino. Ano kaya ang dahilan?
Sabi ng iba, mababa ang kalidad ng edukasyon dahil mababa ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong pamahalaan. Kesyo hindi maasikaso ng mga guro ang pagtuturo dahil nakatutok sa pagtitinda ng tusino sa klase bilang sideline.
Tinaasan at patuloy pang tumataas ang sahod ng mga guro. Katunayan, mas mataas na ang suweldo ng mga guro sa public schools kaysa kanilang mga private counterparts. Naririyan pa rin ang problema sa lumulubhang kamangmangan.Ang isa pang sinasabing dahilan ay ang overcrowded na mga paaralan na dito’y nagsisiksikan sa isang maliit na kuwarto ang mga mang-aaral kaya hindi natuturuang mabuti. Maganda ang approach ng gobyerno sa problemang ito. Inililipat ang ibang mag-aaral sa mga pribadong paaralan at gobyerno ang sumasagot sa matrikula. Bukod pa riyan ang paglalaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng ma-laking budget para sa pagtatayo ng mga paaralan. Ngunit hirap pa ring makaagapay ito sa patuloy na pagdami ng tao lalu na yung mga nagsisipag-aral.
Pero para sa akin, ang pinakamatinding dahilan kung bakit dumarami ang mangmang na Pilipino ay hindi na maabot ng mga mamamayan ang napakataas na halaga ng matrikula sa mga paaralan lalu na sa kolehiyo.
Kagaya ngayon. Pinahintulutan na naman ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtataas ng matrikula ng may 313 na paaralan. Halos taun-taon na lang ay pinapayagang magtaas ng singil ang mga paaralang ito.
Nakakaawa ang mga Pilipino na mapagkakaitan ng pribilehiyong makapag-aral. Paano kung dumating ang panahon na maubos na ang mga edukadong Pilipino, sino ang mga mamumuno sa ating pamahalaan?
Kung sa ngayon pa lang ay namumroblema na tayo sa matinong leader, paano pa kaya kung dumating ang panahon na iyon?
Image result for mga larawan para sa mga problemang pang edukasyon ng pilipinas
Naaksyonan na raw ng Department of Education ang kakulangan sa mga klasrum, subalit ang kakapusan ng paaralan ay patuloy na nagiging suliranin bunsod ng patuloy ding paglago ng populasyon.
Kamakailan, ipinagyabang ng pamahalaan na naglabas ito ng P7.3 billion para sa konstruksyon ng 7,136 klasrum sa may 4,007 pampublikong mga paaralan sa elementarya at hayskul sa buong kapuluan.
Naglabas din umano ang gobyerno ng P1 bilyon para sa repeyr o pagtatayo ng bagong iskul sa mga lugar na nasalanta ng super typhoon Yolanda.
Ngunit kahapon, kasabay ng pagbubukas ng klase, nakita ang matagal nang problema sa mga pampublikong paaralan.
Gaya dati, muling umapaw ang mga nagsipasok na mag-aaral.
Bukod sa problema sa kakapusan sa klasrum, kulang din ang mga guro.
Maraming guro na ang hindi na masaya sa kanilang pagtuturo ‘pagkat umaangal sila sa mababang suweldo.
Hindi nga ba’t nagbabanta ang mga pampublikong guro na kung patuloy na magiging bingi ang gobyerno sa hiling nila na umento sa suweldo, malamang na lumayas na lang sila sa pagtuturo.
Maraming guro na nakaiisip na mangibang bansa na lamang dahil sa maliit na pasahod sa kanila.
Kaysa magturo, may ilang namamasukang domestic helper na lamang sa ibang bayan.
Kapos na kapos talaga ang suweldo ng mga titser kaya kinakapos na rin ang mga tagapagturo sa kabataan.
Bagama’t inaaksyonan ng DepEd ang mga nasabing problema, ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay nanatiling huli sa ilang bansa sa Asya kung kaya ang mga Filipinong mag-aaral ay kulelat, partikular sa kaalaman sa impormasyon maging sa komunikasyon sa teknolohiya.

Mga Pinagkuhanan:
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2015/05/23/1457688/problema-sa-edukasyon
http://www.remate.ph/2014/06/mga-problema-sa-edukasyon/
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:Kung sa ngayon pa lang ay namumroblema na tayo sa matinong leader, paano pa kaya kung dumating ang panahon na iyon?

7 comments: